Gusto mo bang malaman kung kailan ang tamang oras mag-Call o mag-Put sa market? Makakatulong sa'yo ang RSI indicator!
Kapag ang RSI ay bumaba sa ilalim ng 30 magandang senyales ito para mag-Call.
Ibig sabihin, masyadong maraming bentahan ang naganap sa asset. Maaaring tumaas na ang presyo nito sa lalong madaling panahon.
Kapag ang RSI ay umakyat sa higit 70 magandang senyales ito para mag-Put.
Ibig sabihin, masyadong maraming pagbili ang nangyari. Posibleng bumaba na ang presyo nito.
Ang Relative Strength Index (RSI) ay isang sikat na tool sa technical analysis. Ipinapakita nito ang lakas at bilis ng galaw ng presyo. Ang RSI ay nasa saklaw na 0 hanggang 100.
Ang paggamit ng RSI ay epektibong paraan para matukoy kung kailan sobra ang bentahan o ang pagbili sa isang asset. Subukan mong gamitin ang mga palatandaang ito sa platform at tingnan kung paano ito makakatulong sa’yo!